30-minute Radio Drama
                                                          page 1 of 17
1 MUSIC:   "Ako’y Nag-iisa. Walang Nagmamahal" THEME
2 SFX:   DOOR OPENS 
3 PAUL:   Kayo ho ba ang namamhala ng police station na ito? 
4 CASTRO:  Oho, Sir. 
5 SFX:   FOOTSTEPS TO BAUTISTA
6 PAUL:   Sino ho ba’ng in-charge dito? 
7 BAUTISTA:  Sandali lang, Sir. Paano kayo nakapunta dito? 
8 PAUL:   Pumasok ako. Teka, sino ba’ng boss dito?
9 BAUTISTA:  Squad room ho ito. Kung may reklamo ho kayo, ibigay niyo 10   na lang po sa desk sergeant.
11 PAUL:   Wag na – Ayaw ko siyang distorbohin. Natutulog siya. 
12 BAUTISTA:  Tulog si Hidalgo! Sandali, sasabihin kong... 
13 PAUL:   Umupo ka nga muna. 
14 CASTRO:  Bautista...may baril siya! 
15 MUSIC: HIT  “A Ghost Between Us Instrumental” by Lacuna Coil and 
16   Nightwish
17 PAUL:   Oo nga...May baril ako – Eh ano ngayon?—At ito ay isang 18   police station – Ano ngayon? Kaya umupo lang kayo. May 19   dapat akong sabihin sa inyo!
20 KELLY:   Sandali lang ho sir ... Nababaliw na ho ata kayo! Pupunta 
21   punta ka dito tapos tatakutin mo kami gamit yang baril mo. 
       page 2 of 17
1 PAUL:   Siguro nga nababaliw na ako. Pero alam ko kung anong 
2   ginagawa ko. 
3 CASTRO:  Hindi ... hindi ka makakapag-hold up sa isang police station! 
4 PAUL:   Tumahimik ka! Wala akong kailangan sa inyo mga 
5   hunghang! At wala rin akong irereklamo... 
6 BAUTISTA:  Sir... 
7 PAUL:   Itaas niyo ang mga kamay niyo! 
8 BAUTISTA:  Hindi ako gagalaw.
9 CASTRO:  Sir...hindi ito nakakatuwa. 
10 PAUL:   Tahimik!—Nagsasalita ako-may ibibigay pa nga akong 
11   regalo sa inyo eh. 
12 CASTRO:  Sandali lang po.... 
13 PAUL:   Uupo lang kayo diyan at makikinig, tapos may sampung 
14   libong piso na kayo. (PAUSE) Ngayon, sino ang boss dito? 
15 CASTRO:  Siya...siya po. 
16 BAUTISTA:  Hindi ako. 
17 CASTRO:  Siya si Hepe Bautista. Sarhento lamang ako. 
18 PAUL:   Hepe pala ha? Anong problema, Hepe? (PAUSE) Mabuti na 19   rin yun kasi ayokong sumuko sa mga katulad ninyo. 
20 BAUTISTA:  Susuko ka na?  
21 PAUL:   May pabuyang sampung libong piso para sa kidnapper ni 
22   Amanda Ayala. Tama ba ako? 
       page 3 of 17
1 CASTRO:  Ikaw ba ang gumawa nun? 
2 BAUTISTA:  Saan na siya? 
3 PAUL:   Uh-uh. Nakalimutan niyo na ata na may baril ako. 
4   Nakalimutan niyo na rin ata na ako ang nagsasalita dito. 
5   Umupo ka, Hepe. 
6 CASTRO:  Umaamin ka ba? 
7 PAUL:   Parang ganun na nga kung ganun ang tining niyo. Oo, yun 
8   ang kwento ng buhay ko. At magugulat kayo. Alam niyo ba 9   kung bakit? 
10 BAUTISTA:  Sandali lang po... 
11 PAUL:   Magugulat kayo. (SLIGHT PAUSE) Ako si Santos. 
12 CASTRO:  (PAUSE) (WHISPERS) Paul Santos. 
13 BAUTISTA:  Ikaw ang pumatay sa kanya. Ikaw ang pumatay sa babae . 14   Ikaw ang pumatay kay Amanda Ayala! 
15 PAUL:   Kilala mo pala ako. 
16 CASTRO:  Mamamatay tao ka. 
17 PAUL:   (PAUSE) Mamamatay tao, Hepe Bautista. Gusto mo bang 18   marinig ang kwento ko? Ikukuwento ko yun sa paraan ko. 
19 BAUTISTA:  Sabihin mo lang...Pinatay mo ba siya, Paul? 
20 PAUL:   Tahimik! At wag kayong gumalaw...makinig lang kayo. 
21   Magsisimula ako sa kapanganakan ko at wag kayong 
22   papalag. 
       page 4 of 17
1 CASTRO:  (MAGREREACT) O sige...Di kami papalag.
2 MUSIC:   FADE IN  “CONSPIRACY THEORY” by CARTER 
3   BURWELL SUSTAIN FOR A FEW SECONDS , THEN 
4   THEN FADE UNDER FOR:
5 PAUL:   Lagi kong iniisip kung kelan ako pinanganak...Siguro nga 
6   mahal ako ng nanay ko. O kaya hiniling na lamang niyang 
7   sana patay na ako. Hindi siya nabuhay ng matagal para 
8   malaman ko ang sagot sa mga tanong ko. Nung namantay 
9   siya napunta ako sa mga masasama kong tiyuhin at tiyahin 
10   na may haling na kaluluwa. Oo, sina Tiya Donna at Tiyo 
11   Boy. Pareho sila. Magkamukha nga sila eh...Mukha silang 12   mga bulok na lechugas! Maliit pa lamang ako ng dinala ako 13   sa kanila, hindi ko nga alam kong anong wala ako. Nung 
14   nwebe anyos na ako, may nakita akong kuting... (MUSIC 
15   OUT)...isang marumi at sakiting kuting... 
16 TIYA DONNA:  (PASIGAW) Paul! Paul Santos! Ano na naming 
17   pinaglalaruan mo dyan? 
18 PAUL:   (BATA) Isang kuting lang po. 
19 SFX:   SAMPAL
20 DONNA:  Paano ka magsalita sa akin? 
21 PAUL:   Pasensaya na po, Ma'am. 
22 JOHAN:   (FOURTEEN) Napulot niya lang yan sa tabi-tabi, Mama. 
       page 5 of 17
1 DONNA:  Ilayo mo yan, Paul Santos! Ilayo mo yan bilis. 
2 JOHAN:   Sabi ko sayo eh. 
3 PAUL:   Pakiusap, ma'am...ito po’y...
4 DONNA:  Narinig mo ako diba?! 
5 PAUL:   Hindi naman ho ito pabigat eh. Pakiusap ho. 
6 SOUND:  SAMPAL
7 DONNA:  Narinig mo ako! Ilayo mo yan...yang maruming yan! At 
8   kung makikita ko pa yan ulit, ipabubugbog kita sa tiyuhin 
9   mo. 
10 SFX:   DOOR SLAM 
11 JOHAN:   Anong gagawin mo dyan, Paul? 
12 PAUL:   Hindi ko alam. Wala siguro. 
13 JOHAN:   Pwede natin yang pagkatuwaan. Lagyan mo ng tali ang 
14   buntot niyan. 
15 PAUL:   Wag, ayoko. 
16 JOHAN:   Bahala ka. Masaya ‘to. 
17 PAUL:   Sabi ko, huwag. (PAUSE) Tingnan mo!
18 JOHAN:   Bakit? Anong meron diyan? 
19 PAUL:   Tumutunog siya ... parang makina. 
20 JOHAN:   Ah, yan ba – ganyan talaga ang mga pusa. 
21 PAUL:   Bakit naman? 
22 JOHAN:   Gingawa yan ng mga pusa kapag masaya sila. 
       page 6 of 17
1 PAUL:   Masaya ang kuting? Dahil sa ano?       
2 JOHAN:   Baka tingin niya papakainin mo siya. 
3 PAUL:   Ah, oo nga. (PAUSE) Ano bang kinakain ng mga pusa, 
4   pinsan? 
5 JOHAN:   Huwag na! Dapat mo ng ilayo yan dito! 
6 PAUL:   Tinatanong kita, ano bang kinakain ng mga pusa? 
7 JOHAN:   Narinig mo naman si Mama diba? Gusto mong alagaan yan, 8   at papakainin mo pa. Patay ka talaga! 
9 PAUL:   Wala akong pakialam. 
10 JOHAN:   Hindi mo itatago yan? 
11 PAUL:   Itatago ko ito. Itatago ko ito sa lugar na di niya malalaman.
12 JOHAN:   Baliw ka na talaga.
13 PAUL:   Hindi ako baliw. Itatago ko ito. Gusto niya ako. 
14 JOHAN:   Gusto ka ng isang pusa? 
15 PAUL:   Bakit naman siya maglalambing? Gusto ako ng kuting na ito. 
16 JOHAN:   Aw, Hindi kaya. Nagugutom lang yan. Hihinto din yan sa 
17   paglalambing. Tingnan mo! 
18 PAUL:   Ano’ng ginangawa mo, Johan? 
19 JOHAN:   Tingnan mo ako habang iikut-ikutin ko ang buntot nito.
20 PAUL:   Huwag! -- Naku! 
21 JOHAN:   Huwag ka ngang makialam!
22 PAUL:   (NAIIYAK) Natatakot na siya! Tingnan mo!
       page 7 of 17
1 JOHAN:   (SISIGAW) Paul! Paul, Anong ginagawa mo?        
2 MUSIC:   FADE IN “TREATY” by CARTER BURWELL SUSTAIN 3   FOR A FEW SECONDS, THEN FADE UNDER FOR: 
4 PAUL:   Nararamdaman ko ang nararamdaman ng kuting na yun... 
5   Kung takot sya, tumititig siya. Pero wala akong nagawa para 6   sa kanya (MUSIC OUT) (BULONG) Wala... 
7 MUSIC:   (FADES IN, THEN FADES) 
8 PAUL:   Hindi ako nandidiring...pumatay. Madali lang yun. 
9 MUSIC:   BRIDGE...THEN TO BACKGROUND...UNDER:
10 PAUL:   Pagkatapos nun, isang araw pumatay ako ng palaka. 
11   Sumunod na araw, paru-paro naman. Lagi akong may 
12   pinapatay araw-araw...Natural lang yun. Masarap sa 
13   pakiramdam... Nagustuhan ko ang pumatay! 
14 MUSIC:   FADES IN
15 CASTRO:  Ngayon, Paul. Wag kang masasabik! 
16 PAUL:   Bakit di ka na lang tumahimik! Pagkatapos kong magkaroon 17   ng mga tamang koneksyon sa iba’t ibang tao, nalaman kong 18   may puwang pa pala sa mundo ang mga taong katulad ko. 
19   May trabaho pa ring nakaabang sa mga taong hindi 
20   nagdadalawang isip na pumatay. Marami akong nakukuhang 21   pera sa trabahong ito... Ikaw, magkano ba sinusweldo mo? 
22 MUSIC: OUT
       page 8 of 17
1 BAUTISTA:  Saan mo ba talaga iniwan si Amanda Ayala?        
2 PAUL:   Pwede ba tumahimik ka na lang – o baka gusto mong isali 
3   kita sa listahan ng mga pinatay ko? 
4 BAUTISTA:  Wah! Wag, Paul. 
5 CASTRO:  Pero saan mo ba siya pinatay, Paul? 
6 PAUL:   Sasabihin ko kung saan. 
7 CASTRO:  Sige...sige...pero -- 
8 PAUL:   Sino bang nagsasalita dito? Umupo nga lang kayo at 
9   makinig! 
10 MUSIC:   FADES IN 
11 PAUL:   Pakinggan niyo ang mga sasabihin ko. Iba ang sa lahat ang 12   mga mga nangyari kay Amanda Ayala! 
13 MUSIC:   OUT 
14 CASTRO:  Sandali lamang  Santos... (NINENERBYOS) at mag-ingat 15   ka sa baril na yan. 
16 PAUL:   Lagi akong nag-iingat, Sarhento. 
17 CASTRO:  (NINENERBYOS PA RIN) May..May nagpadala ba sayo 
18   para patayin si Amanda Ayala? 
19 PAUL:   Alam niyo, hindi ko naman talaga dapat siyang patayin. 
20   Pinadala ako para duukutin siya. Yun lang ang dapat kong 
21   gawin...alamin kung sino ang nasa bahay ng mga Ayala at 
22   kung nag-iisa ba ang babae. Malaking trabaho yun.
        page 9 of 17
1 SFX:   DOOR OPENS        
2 MANANG:  Anong kailangan mo? 
3 PAUL:   Naghahanap po ako ng trabaho, sir...
4 MANANG:  Wala kang mahahanap dito. 
5 PAUL:   Baka pwede po akong maging tagapag-linis ng bakod. O 
6   baka pwede ho ako magmaneho. 
7 MANANG:  Wala...wala akong mabibigay na trabaho sayo. 
8 PAUL:   Baka may kilala ho kayong pwede kong mapagtanungan? 
9 AMANDA:  (TUMATAWAG) Manang..Manang..sinong kausap mo? 
10 MANANG:  Isang mama lang ho, Miss Amanda. Naghahanap lang po ng 11   trabaho.
12 AMANDA:  Oh? Anong klaseng trabaho? 
13 PAUL:   Kahit ano ho, ma'am. Kahit ano. Magka-college na ho ako at 14   gusto ko po sana mag summer job. Pero may sakit po ako sa 15   likod kaya dip o ako pwede sa mga mabibigat na gawain.
16 AMANDA:  Ah, ganun ba. Well, baka may maibigay ako sayo. 
17   Tatanungin ko muna si Daddy. 
18 MANANG:  Miss Amanda.....
19 AMANDA:  Wala si Daddy dito sa bahay ngayon. Pero kung gusto mo 
20   maghintay... 
21 PAUL:   O sige po. Maghihintay po ako. 
22 AMANDA:  Pwede kang pumasok sa loob ng bahay, ginoo...
       page 10 of 17
1 PAUL:   Uh...Castillo. Paul Castillo.        
2 AMANDA:  Pasok, Paul. Manananghalian n asana ako. Baka gusto mong 3   sumalo.
4 MUSIC:   FADE IN “THE MOST DANGEROUS PREDATOR” by 
5   CARTER BURWELL SUSTAIN FOR A FEW SECONDS, 6   THEN FADE UNDER FOR:
7 PAUL:   Sa mahigit isang oras nasa loob lang ako. Marami akong 
8   naisip. Ang kwartong kinainan namin, napakaganda. At ang 9   pagkain napakasarap. Galit nag alit ako. Hindi ko siya 
10   matingnan. Di ko siya makausap. Pero parang hindi niya 
11   nahalata kung anong nangyayari sa akin. Parang hindi siya 
12   natakot. (PAUSE) Nakita mo na ba si Miss Amanda? Maliit 13   siya. Napakaganda ng boses niya. Wala pa akong 
14   nakikilalang tulad niya maliban sa mga nababasa ko sa aking 15   mga aklat. Mahilig akong magbasa. At hindi ko kaya kapag 16   hindi siya natatakot sa akin. Gusto ko siyang piliting matakot 17   sa akin tulad ng ibang mga babae...(MUSIC OUT)
18 AMANDA:  Hindi ka kumakain, Paul. 
19 PAUL:   Nag-iisip ako. 
20 AMANDA:  Ah, talaga? 
21 PAUL:   Hindi ka ba natatakot? 
22 AMANDA:  Natatakot? 
       page 11 of 17
1 PAUL:   Na mag-isa ka lang kasama ang isang taong di mo kilala. 
2 AMANDA:  Takot sayo?        
3 PAUL:   Maraming babae ang natatakot sa akin. 
4 AMANDA:  (NATATAWA) Bakit? Mapanganib ka ba? 
5 PAUL:   Hindi ko alam. Ganun ang tingin ng maraming babae sa 
6   akin. Ano kayang meron sa akin. 
7 AMANDA:  Oh...aswang ka ba? 
8 PAUL:   Hindi ah. Hindi, hindi yan ang ibig kong sabihin. 
9 AMANDA:  Kung aswang ka nga. Tingin ko mabait ka. Pinakamabait sa 
10   tingin ko. 
11 PAUL:   Hindi yan ang ibig kong sabihin. At hindi mo ako kilala. 
12 AMANDA:  Nakakatawa nga eh. Pakiramdam ko kilala kita. Parang 
13   matagal na kitang kilala. 
14 SFX:   MAHUHULOG ANG TINIDOR SA PLATO 
15 AMANDA:  Anong problema, Paul? 
16 PAUL:   Wala. Walang problema. Aalis na lang siguro ako. 
17 AMANDA:  Hindi mo nab a hihintayin si Daddy? Malapit na siyang 
18   dumating. 
19 PAUL:   Hindi na, hindi na siguro ako magtatagal. 
20 AMANDA:  Pero...sabi mo... 
21 PAUL:   Naalala ko, may dapat akong puntahan mamayang alas dos.
22 AMANDA:  (Nalulungkot) Oh. Ganun ba. Kung babalik ka bukas...
       page 12 of 17
1 PAUL:   Ganun na nga. Babalik ako bukas.        
2 AMANDA:  Mas mabuti nga siguro yan. Kakausapin ko si Daddy tungkol 3   sayo. At sigurado ako bibigyan ka niya ng trabaho. 
4 PAUL:   Sige. Maraming salamat. 
5 AMANDA:  Pero babalik ka? Pangako? 
6 PAUL:   Oo naman. Babalik ako. 
7 MUSIC:   FADE IN “PHASCINATION PHRASE” by CARTER 
8   BURWELL SUSTAIN FOR A FEW SECONDS, THEN TO 9   BACKGROUND
10 PAUL:   Hindi ko talaga maintindihan...Kung bakit ang isang babaeng 11   katulad niya ay hindi natatakot na makasama ako. At 
12   pagkatapos, binalaan ko pa siya. Sinubukan ko siyang 
13   bigyan ng babala, hindi ba? Pero tiningnan niya ako...sa mga 14   mata ko...ang maga mata niya’y nanatiling maamo na parang 15   iba ang tinitingnan niya. Parang akong nanghina. Napansin 16   yun nga iba. (PAUSE) Pero dapat kong harapin ang 
17   katotohanan. Dapat ko siyang takutin. Dapat ko siyang 
18   patayin. 
19 MUSIC:   FADES UP, THEN FADE UNDER FOR: 
20 PAUL:   Bumalik ako sa bahay nila. Gabing-gabi na yun, pero bukas 
21   pa rin ang mga pintuan at ang mga ilaw...at sa sandaling yun, 22   pumasok ako sa harapang pinto.
       page 13 of 17
1 MUSIC:   (OUT) 
2 SFX:   KATOK       
3 AMANDA:  Aalis na ako, Daddy. 
4 SFX:  BUBUKAS NA PINTO 
5 AMANDA:  Bakit...Paul... 
6 PAUL:   Hello, Miss Amanda.... 
7 AMANDA:  Pumunta ka...Pumunta ka ba para kay Daddy? Hindi ko pa 
8   siya nakakausap. 
9 PAUL:   Hindi, pumunta ako para sayo. 
10 AMANDA:  Bakit, Ako..
11 PAUL:   Pumunta ako para kunin ka. 
12 AMANDA:  Kunin ako? 
13 PAUL:   Oo. Hindi mo ba naaalala? Bumalik ako gaya ng sabi mo. 
14   Ilalayo kita. 
15 AMANDA:  Gaya ng sabi ko? 
16 PAUL:   Ganun na nga. Ngayon, nakukuha mo na ang tamang tingin. 17   May takot na sa mga tingin mo. 
18 AMANDA:  Wag, Paul! Paul, pakiusap, sinasaktan mo na ako. 
19 PAUL:   Hindi, Hindi kita sinasaktan, Amanda. Tama lang ito para 
20   tingnan mo ako ng ganyan. At hindi ka na masasaktan kapag 
21   pinatay na kita. 
22 AMANDA:  Kapag..Paul! Paul, maawa ka. 
       page 14 of 17
1 PAUL:   Nasabi ko na. Kapag pinatay na kita. 
2 AMANDA:  Hindi! (SUMISIGAW) Daddy! Tulong! Tulong! 
3   (SUMISIGAW) 
4 MUSIC:   FADE UP “ALERT THE ARMORY INTRO” by 
5   URBANDUB SUSTAIN FOR A FEW SECONDS, THEN 
6   FADE OUT FOR: 
7 PAUL:   Lumaban siya nung pinasok ko siya sa kotse. Tinapon ko 
8   siya sa front seat at pagkatapos nun hindi na siya gumalaw. 
9   Umupo siya dun habang tumititig sa daan. Hindi na ako 
10   nagsalita pa. Nag-isip ako at nagmaneho ng mabilis. Nag-
11   isip ako kung paano ko siya papatayin, at pinag-isipan ko rin 12   kung nasa hideout na kami. Nasaan yun? Nasa tuktok ng 
13   bundok, at gusto ko dun.
14 PAUL:   Pasok. Diretsuhin mo lang ang lakad at tumayo ka ng tuwid. 
15 AMANDA:  Pero ... Madilim dito. 
16 PAUL:   May kandila dito. 
17 SFX:   POSPORO 
18 PAUL:   Ayan. Ngayon, pumasok ka na at umupo. 
19 AMANDA:  Sa sahig?
20 PAUL:   (GALIT) Oo, sa sahig. Anong gusto mo? Komportableng 
21   lugar? Tulad ng bahay niyo? Bakit di mo sabihin kung anong 22   gusto mo? 
       page 15 of  17
1 AMANDA:  Paul, ano bang problema. May nagawa ba ako sayo? 
2 PAUL:   Wala. Wala kang ginawa sa akin. 
3 AMANDA:  Pero bakit...bakit, Paul?        
4 PAUL:   Sige...sabihin mo. Bakit kita papatayin? 
5 AMANDA:  Oo. 
6 PAUL:   Ano ba naming klaseng katanungan yan. Kailangan kitang 
7   patayin. 
8 AMANDA:  Pero bakit? 
9 PAUL:   Kailangan kitang kausapin..May sasabihin akong maraming 
10   bagay..maraming bagay... 
11 AMANDA:  Pakiusap, Paul. 
12 PAUL:   Gusto kong malaman ang mararamdaman mo bago ka 
13   mamatay..Mahawakan ka ng ganito. Mahal mo ba ako, 
14   Amanda?
15 AMANDA:  Mahal kita? 
16 PAUL:   Oo. Tinatanong kita. 
17 AMANDA:  Hindi. Syempre hindi kita mahal. 
18 PAUL:   Alam ko. Walang nagmamahal sa akin. Wala talagang 
19   nagmahal sa akin... maliban lang isang kuting noon. Galit sa 
20   akin ang lahat, Amanda. 
21 AMANDA:  Pero hindi din ako galit sayo.
22 PAUL:   Ah ganun? Nakakatawa. May naisip tuloy ako. Alam mo 
       page 16 of 17
1   kung ano? 
2 AMANDA:  Paul, paano mo... ?        
3 PAUL:   Hindi, mahalaga ito...Makinig ka..Ganito yan. Tumira ako 
4   dito. At nagbabasa ako ng mga aklat...magagandang aklat. 
5   The Librarary Hub. Alam mo ba yun?
6 AMANDA:  Oo, alam ko. 
7 PAUL:   May nabasa akong libro ni Oscar Wilde kung saan sinabi 
8   niya na papatayin ng isang tao ang bagay na gusto niya. Yan 
9   na nga ang ginagawa ko.
10 AMANDA:  Hindi, Paul – Hindi mo ako mahal! 
11 PAUL:   Hindi mo naiintindihan. Sasabihin kung anong ibig kong 
12   sabihin. Gaya ng sabi ko, walang nagmamahal sa akin...pero 13   nakakatanggap din ako ng pagmamahal. Kasi kung papatayin 14   na kita... Amanda...Wala ng matitira sa mundo para sa akin 15   kundi ikaw. Papatayin kita, Amanda!
16 MUSIC:   FADES IN UNDER AND BACKGROUND 
17 PAUL:   Narinig mo ang sinabi ko, Amanda. Papatayin kita!
18 AMANDA:  (BUBULONG) Kawawa ka naman, Paul. 
19 PAUL:   Ano..anong sinabi mo? 
20 AMANDA:  Nasaktan ka. Nasaktan ka ng labis. Patawad
21 MUSIC:   BRIDGE 
22 PAUL:   At yun na nga ang nangyari. 
       Page 17 of 17
1 CASTRO:  Pero saan mo iniwan ang katawan niya, Paul? 
2 PAUL:   Ano bang sinsabi mo?        
3 CASTRO:  Matapos mo siyang patayin.. 
4 PAUL:   Sinong may sabing pinatay ko siya. 
5 CASTRO:  Ang sabi mo... 
6 PAUL:   Makinig ka nga, ulol...Yun na nga ang nangyari. Kaya ako 
7   sumuko dito. Walang ibang nagmamahal sa akin, kundi ang 
8   kuting na iyon..at nung natakot siya, kinalmot niya ako at 
9   kinailangan ko siyang patayin. Pero si Miss Amanda, iba 
10   siya. Hindi siya natakot sa akin.
11 BAUTISTA:  Hindi ko naiintindihan.. 
12 PAUL:   Tiningnan ako ni Miss Amanda.... at alam niya kung ano 
13   talaga ako..Bulok..pero naawa siya sa akin. Tingin ko muntik 14   na akong napamahal sa kanya. 
15 SFX:   PHONE RINGS
16 PAUL:   Sige sagutin mo na, Sarhento. Tingin ko tatay niya yan, 
17   sasabihing nakauwi na si Amanda. At pwede mo na rin 
18   akong ikulong, Hepe. Kailangan ko nang matulog. Gustong-
19   gusto ko nang matulog.
>>> This is my Tagalog-adaptation of the Radio Drama "Nobody Loves Me" from the Radio Program "Mystery in the Air"
Welcome Readers!
Blog Features
I'll let you in a little revelation about my favorite usernames in my virtual sites. First is about my Mikimoto Angel pen name. Mikimoto is a famous brand of pearl accessories in America. I first saw that brand in Vogue Magazine. I got mesmerized by that label, and I thought of using it. I just added Angel from my name "Angela". Thus, the formation of Mikimoto Angel.For my other pen name Mystic Nymph, the word mystic really came from the show Mystic Knights of Tir Na Nog. I used to be so hooked to that show. I am also obsessed with mythologies, and nymphs are mythical creatures depicted as beautiful young women who are considered as guardians of objects and places in nature. Thus, the evolution of Mystic Nymph.
Search This Blog
Saturday, March 27, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
 
 


No comments:
Post a Comment